isang gabi

ako'y nagmamaneho

hari ng daan

hangin naiiwanan

 

kay layo ng daan

sa aking harapan

pinapaandar ang sasakyan

tila walang katapusan

 

hanggang kailan matatapos ang paglalakbay

saan pupunta tila walang patutunguhan

 

sa gitna ng kadiliman

mayroong nakaharang

isang hudyat

isang liwanag sa taas.......

 

..............................

.........hindi ko alam ang aking gagawin.....

 

bakit mo ako kinalabit

bakit siya'y nadawit

alam kong ika'y nagpapapansin

sana'y nangyari sa kanya ginawa na lang sa akin

 

sa tao ako'y awang awa

sa 'king kasalanan, tuloy siya'y nagngangawa

konsensiya ko ngayo'y paikot-ikot

parang bolang pinatalbog-talbog

 

patawarin ako sa aking mga sala

sa aking puso ika'y nalilimutan

alam kong ito lang ang maaaring paraan

para magbalik, damdamin ay sinagasaan....

 

patawad.....

 

 

Posted by jepong9 on February 18, 2006 at 01:03 AM | comments and suggestions

maraming pagsubok ang dumaan

maraming problema ang humadlang

sa gitna ng kadiliman

tila wala ng patutunguhan

 

hindi malaman kung bakit

aking pasensiya'y nagtitimpi

sa mga bagay na dapat pagbuhusan ng galit

tila konsensiya'y pilit hinihila pabalik

 

ano pa ba ang aking gagawin

pinakamabigat na problema sa aki'y hinain

panibagong buhay ay dumating

sa ibang buhay aking tatahakin

 

wala ng magagawa

walang silbi ang magsisi pa

tila ito ang gusto para sa akin

kaya't ito'y kailangan kong harapin

 

 

 

 

 

 

 

 

Posted by jepong9 on February 18, 2006 at 12:45 AM | comments and suggestions
hay, just got home from eastwood with my baby and sister. lalang, im so happy coz nakasam ko na naman baby ko. hay, wish siya na forever, i dont want to lose this girl anymore! this girl is the most precious girl in my life! luv u baby! mwah!
Posted by jepong9 on February 5, 2005 at 08:09 PM | comments and suggestions
hahahahahaha! sorry guys kung hindi ako nakakasulat sa site ko! dami schoolworks e. haha;p nwei, il try to write some this xmas break!
Posted by jepong9 on December 16, 2004 at 11:01 PM | comments and suggestions
matagal naghintay
nagabang ng walang humpay
hindi tinantanan
oras pilit binibilisan

ngunit paghihintay tinigil na
paghahanap tinapos na
sadyang hindi inaasahan
ikaw ay dumating na

sa wakas andito kana
sa wakas buhay na naman
wala ng hihilingin pa
pagkat asa iyo na ang lahat ng kailangan

ang iyong nakakasilaw na ngiti
ang iyong nakakatunaw na tingin
kamay mong yumayakap sa aking kay lagkit
tila di na malaman kung ano ang gagawin....

ayoko ng mawala ka sa aking mga kamay
di ko na kayang ika'y lumayo pa
please lang wag mo na akong iwan
pagmamahal ko sa iyo ayoko ng wakasan

sa wakas andito ka na
sa wakas di na ako nag-iisa
sana lang wag mo akong iwan
sana lang mahalin mo ako ng higit pa

>A<
Posted by jepong9 on November 1, 2004 at 10:29 AM | 1 comment/s, please add more
« Newer · »